Paulit-ulit hanggang sa matuto na.
Parang anino, sinusundan ka.
Ang mga ginawa na mali,
maniningil sila.
Maniningil sila sa pamamagitan
ng paulit-ulit na pagganap nila
sa buhay mo.
Hihintayin nila ang araw
na sa wakas, sa wakas,
nagawa mo na sila ng tama.
No comments:
Post a Comment