Sa dami at bigat ng mga libro ko, promis, kelangan ko 'to!
Araw-araw na lang, nangangalay ang mga braso at balikat ko.
Daig ko pa ang mga kumukuha ng PE 3 students na naglalaro ng Badminton.
Sa tingin ko nga, sa loob lang ng isang buwan, magkakaroon na ako ng muscles.
Bakit naman kasi pinagsasabay sa iisang araw
lahat ng subjects na may dambuhalang mga libro.
Matalino ka kung magbibitbit ka niyan tuwing Lunes at Huwebes ng umaga.
7:30 magsisimula ang klase at 1 pm matatapos.
Walang in-between breaks. Kaya naman, kapag last subject na,
ang laman ng notebook ko puro: Gutoooooooooooom!
Kaso puro accounting ang subjects sa mga oras na 'yan.
Minsan pa pinagkakaisahan kami ng mga teachers sa pamamagitan ng
sabay-sabay na pagbigay nila ng exams.
Lage na lang nagbabasa. Wala na tuloy panahon para magnguya.
Kaya kahit kailan, hindi ko pa nauubos ang sandwich ko.
Madalas hindi ko nga nakakain.
Masanay ka na mag-lunch 1:30 pm (pipila pa sa canteen, eh!).
'Yung 5 minutes late ka na, hindi ka makasakay ng elevator kasi puno na,
tapos sa 6th floor pa ang classroom mo-- alam mo 'yun?
Buti hindi maingay ang sapal ng sapatos ko kasi pag nagkataon,
mahahalata talaga ng lahat na nagmamadali ako.
At oo, ang pangit sa pakiramdam yung nanlalagkit ka na sa pawis
tapos hinihingal ka pa.
Idagdag mo pa yung mga mata ng mga kaklase at guro
na nakatingin sayo pagpasok mo.
May five-week allowance para sa pagsusuot ng uniform.
Isipin mo, 5 weeks? 25 days din yun.
Ganoon katagal ka hindi magsusuot ng uniporme.
Masaya para sa mga baguhan sa campus kasi mababawasan ang discrimination.
Hindi mahahalata sino ang first year at transferee.
Kaso nauubusan na ako ng damit.
Alam mo yung puno ng damit ang cabinet mo pero wala kang maisuot?
Parang nag-summer class lang.
Marami pa ako idadagdag dito. Sa ngayon, eto muna.
Alam mo naman sa kolehiyo.
Madali maging tamad ang mga tao.
O baka ako lang. Basta, sa susunod!



No comments:
Post a Comment